Nilinaw ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang idinedeklarang all-out war si Pangulong Rodrigo Duterte na laban sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army.
Ito ang nilinaw ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo sa harap ng sinuspindeng peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF at pagbawi sa idineklarang unilateral ceasefire ng gobyerno.
Sinabi ni Arevalo na kung magkaroon man ng combat operations ang militar ay tiyak aniyang batay ito sa mandato ng Saligang Batas na protektahan ang mga mamamayang Pilipino.
Samantala, nilinaw naman ni Arevalo na hindi sila ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na bansagang terorista ang komunistang grupo.
Sa katunayan, sinabi ni Arevalo na ang AFP pa nga ang humiling na maalis na sa listahan ng terrorist organization ng Amerika ang CPP-NPA-NDF.
By Ralph Obina