Positibo ang naging misyon ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador panelo sa South Korea upang ipaabot ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa nangyaring pagdukot at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng national headquarters ng PNP o Philippine National Police sa Kampo Crame noong isang taon.
Ayon kay Panelo, malugod na tinanggap ni South Korean Prime Minister at acting President Hwang Kyo-Ahn ang apology letter na ipinadala ng Pangulo.
Tiniyak naman ni Panelo sa South Korean Prime Minister na hindi titigil ang pamahalaan ng Pilipinas sa paghahanap ng katarungan sa pagkamatay ng kanilang kababayan.
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)