Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa kulungan ang diretso ni Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF Founding Chairman Jose Maria Sison pagbalik nito sa bansa.
Banta ito ng Pangulo kay Sison kasunod ng naging pahayag nito na hindi makikipag-usap sa mga rebelde hangga’t hindi bumabalik ang kanilang tamang huwisyo.
Ayon sa Pangulo, nawalan na siya ng gana na makipag-usap pa kay Sison at sa iba pang mga rebelde dahil sa pagiging spoiled brat ng mga ito.
Magugunitang kapwa nagpahayag ng kahandaang magusap ang dating Propesor na si Sison at estudyante nitong si Duterte nang maupo ito bilang Pangulo ng bansa.
By Jaymark Dagala