Itinuturing ni Senator Antonio Trillanes, na pruweba ng sabwatan sa liderato ng Boy Scout of the Philippines (BSP), ang muling pagkakahalal kay Vice President Jejomar Binay, bilang Pangulo ng Boy Scouts of the Philippines.
Ayon kay Trillanes, ito ay dahil sa kabila ng mga naisiwalat na iregularidad sa pakikipag-transaksyon ng Boy Scouts of the Philippines, ay ibinoto pa din na Pangulo ang Bise presidente.
Naniniwala si Trillanes na ang muling pagkakahalal kay Binay ay isang bagay na dapat tingnan ng mga nag-iimbestiga sa mga anomalyang kinasasangkutan ng Bise Presidente.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)