Umapela ang SSS o Social Security System sa publiko na makipagtulungan para sa agarang ikadarakip nila Celebrity Doctor Joel Mendez at ang Presidente ng isang ship manning agency na si Peter Nicholas Toundjis II.
Ipinaaaresto si Mendez dahil sa kabiguang mag-remit ng kabuuang P1.8-Milyon na kontribusyon ng kanyang mga empleyado mula noong 2011.
Habang si Toundjis ay hindi umano nag-remit sa SSS ng kontribusyon ng kanyang mga empleyado na aabot sa P800,000 mula noong 2002.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, dapat harapin nina Mendez at Toundjis ang pananagutan nila sa batas na kapwa nasintensyahan ng 6 hanggang 7 taong pagkakakulong dahil sa paglabag sa Section 22a ng Republic Act No. 8282 o ang SSS Law.
Tiniyak din ni Dooc na ipagpapatuloy ng SSS ang pagtugis sa mga delingkwenteng employer at regular na paghahain ng warrants of arrest kasama ang PNP o Philippine National Police.
By Meann Tanbio