Nahaharap sa P14 milyong pisong kasong graft si Cedric Lee, ang Chief Executive officer ng Isumo Contractor Incorporated.
Kaugnay ito sa kanyang pakikipagkontrata kay Mariveles, Bataan Mayor Angel Peliglorio Jr., para sa gagawing Mariveles public market.
Ang kaso ay isinampa, matapos makitang nailabas at nagamit ang pondo para sa proyekto, subalit hindi naman naitayo ang palengke.
Si Lee ay una nang naging kontrobersyal, dahil sa kanyang pambubugbog kay Vhong Navarro.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)