Aabot sa 550 donated blood bags ang natuklasang positibo sa human immunodeficiency virus o HIV noong Disyembre.
Gayunman, tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang mga nasabing kontaminadong dugo ay hindi nagamit sa blood transfusion.
Binigyang diin ni DOH Secretary Paulyn Ubial na ang dugo na nakukumpirmang positibo sa HIV at iba pang karamdaman ay agad na idini-dispose ng kagawaran.
Sa kabila nito, sinabi ng isang eksperto na may mga pagkakataong hindi agad nade-detect ang mga infected blood units dahil sa tinatawag na window period of inspection, ibig sabihin umaabot pa ng 21 araw bago ma-detect ng makina ang virus sa dugo.
Report from: Aya Yupangco (Patrol 5)