Tiniyak ni NCR Police Office Director Chief Superintendent Oscar Albayalde na tatalima sila sa mga kautusan ng Administasyong Duterte kung alinsunod din lang sa batas.
Ito ang tugon ni Albayalde kasunod ng direktiba ng Pangulo na dakpin ang mga consultant ng CPP-NPA-NDF peace panel matapos talikdan ang usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Albayalde, kung ipinag-uutos ng pamahalaan na hainan ng warrant of arrest ang mga nasabing consultant, hindi sila mag-aatubiling mang-aresto.
Inihalimbawa ni Albayalde ang pag-aresto kay consultant Ariel Arbitrario noong Lunes sa Davao City kahit umiiral pa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco