Niresbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Colombian President Cesar Gaviria.
Kaugnay ito sa babala ni Gaviria na dapat iwasan ni Duterte ang mga naging pagkakamali niya nang magdeklara ng giyera kontra droga sa Colombia.
Ayon kay Pangulong Duterte, iba ang drug problem sa Pilipinas sa sitwasyon sa Colombia na isang narco-state.
Iba rin anyang uri ng illegal drugs ang gamit sa Colombia maging sa iba pang Latin American country kaya’t hindi maaaring ihalintulad ang Pilipinas sa mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino