Isinalya na ng mga kumpaniya ng langis ang kakarampot na bawas presyo sa mga produktong petrolyo.
Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga ngayong araw, P0.25 ang tapyas presyo ng kumpaniyang Phoenix Petroleum sa kada litro ng kanilang diesel.
Ganito rin ang ipinatupad na rollback ng mga kumpaniyang Shell, Petron at Seaoil kaninang alas-12:01 ng madaling araw bagamat’t walang naging paggalaw sa presyo ng gasolina ang mga nabanggit na kumpaniya.
Samantala, P0.30 naman ang tapyas presyo ng kumpaniyang Flying V sa kanilang biodiesel habang P0.10 ang kanilang rollback sa kada litro ng kanilang gasolina.
By Jaymark Dagala