Nakauwi na sa bansa ang isang Overseas Filipino Worker o OFW na nahatulan ng bitay sa Kuwait.
Sinalubong si Marilou Ranario ng kanyang ama na si Rosario Sr. at kapatid na lalaki kung saan hindi niya agad nakilala ang mga ito makalipas ang 10 taon.
Nagpasalamat naman si Ranario dahil sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Embassy, at ni Vice President Jejomar Binay.
Matatandaan na mula sa hatol na kamatayan ay napababa sa life imprisonment ang parusa kay Ranario noong 2007 hanggang sa gawin itong 10 years imprisonment noong 2009.
Sa panayam ng DWIZ kay Ranario, isinantabi nito ang hakbang na bumalik pa sa ibayong dagat sa halip, bubunuin na lamang ang kaniyang buhay sa piling ng kaniyang pamilya.
By Jelbert Perdez