Inamin ni Congressman Lito Atienza na malawak pa ang suportang natatanggap ni Deputy House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Kamara.
Sa gitna ito ng banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa mga may hawak ng key positions at house committee chairmanships na matatanggal sila sa pwesto kung sasalungat sa death penalty bill.
Sa programg “Balita Na, Serbisyo Pa,” sinabi ni Atienza na kilalang kontra sa nasabing panukala ang dating Pangulo at malabong magbago siya ng posisyon.
Samantala, una na ring umugong ang balitang ikukudeta kay Alvarez ang House Speakership kapag ipinagpilitan ang umano’y pambabraso sa super majority coalition sa Kamara para pumabor sa panukalang parusang kamatayan.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Congressman Lito Atienza sa DWIZ.
By: Avee Devierte