Tinutulan ng mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang libreng tuition sa lahat ng undergraduate student sa mga State University and College o SUC.
Ayon kina Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Ben Diokno, dapat ay magkaloob na lamang ng student assistance fund bilang mas alternatibong solusyon.
Mas makikinabang anila sa panukalang free tuition para sa mga college student ang karamihan sa mga non-poor student na bumubuo sa mayorya ng mga SUC.
Isinusulong ng tatlo (3) ang paglalaan ng gobyerno ng pondo para sa Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UNIFAST.
Naniniwala ang economic team ng pangulo na mas matutugunan ng UNIFAST ang educational needs ng mga estudyante at mapagkakalooban ng pondo ang mga higit na nangangailangan.
By Drew Nacino