Kinumpirma na ni Erich Gonzales na hiwalay na sila ni Daniel Matsunaga, matapos ang dalawang taong relasyon.
Nilinaw ni Erich na walang third party sa kanilang break-up, subalit ayaw na niyang idetalye ang dahilan nito.
Hindi na din aniya sila magkaibigan ni Daniel at gusto niyang mag-focus sa sarili at mag move-on.
Itinanggi naman ni Daniel ang mga haka-haka na naghiwalay sila ni Erich dahil sa pera.
By Katrina Valle