Nasa mahigit isandaan (100) katao na ang patay sa loob lamang ng anim (6) na araw na kaguluhan sa Brazil.
Sentro ng kaguluhan ang estado ng Espirito Santo.
Ayon sa Brazilian Police, hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa serye ng mga pagpatay ngunit isa sa mga anggulong tinitignan ay may kaugnayan sa bentahan ng iligal na droga.
Dahil dito, daan-daang tropa ng pulis at militar ang ipinakalat sa lugar para payapain at ibalik sa kaayusan ang lugar.
Sinasabing dahil sa karahasan ay sarado ang mga paaralan at mga establisimyento habang paralisado din ang transportasyon sa Espirito Santo.
By Ralph Obina