Hihigpitan na ng MIAA o Manila International Airport Authority ang patakaran para sa mga pampublikong sasakyan tulad ng taxi sa loob ng paliparan.
Sa panayam ng programamg “Ratsada Balita” sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na kanila nang ipagbabawal ang barker o ang mga taga-tawag ng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito’y bilang tugon ng MIAA sa reklamo ng ilang mga pasahero na hina-harass umano kapag hindi pinipili ang taxi na kanilang iniaalok.
Kasunod nito, sinabi ni Monreal na magpapatupad na rin sila ng tagging sa mga taxi na pumapasok sa paliparan upang magsakay ng pasahero.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni MIAA General Manager Ed Monreal
Paliwanag pa ni Monreal, layon ng nasabing tagging na maiwasan din ang iba pang mga anomalya sa mga taxi tulad ng kambal plaka na posibleng magamit ng mga kawatan sa paggawa ng krimen
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni MIAA General Manager Ed Monreal
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita (Interview)