Pinakikilos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang paigtingin ang kampaniya kontra iligal na sugal.
Ito’y makaraang lagdaan ng Pangulo noon pang Pebrero 2 ang executive order number ngunit ngayon lamang inilabas.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, inaatasan ang pulisya, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies na makipag-ugnayan sa Department of Justice (DOJ), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) kung magkakasa ng operasyon.
Partikular na pinatututukan ng Pangulo ang mga online gambling at mga gambling operators na walang pahintulot mula sa PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Pinagsusumite rin ng Pangulo ang PAGCOR at mga economic at free port zone sa Bataan at Aurora ng kani-kanilang mga progress report kada anim na buwan.
By Jaymark Dagala | Report from: Aileen Taliping (Patrol 23)