Kinasuhan na ang tatlong suspect sa pagpatay sa 17 anyos na kasambahay.
Kasong murder ang isinampa sa Makati City Prosecutor’s Office ng Makati City Police laban sa amo ng biktima na si Aleli Froilan Yap, Akiko Nyron Lindon, at Crissamae Aniel Chali.
Ayon sa Makati City Police, dinala ng mga suspect ang biktimang si Richelle Sagang sa guard house ng Ayala Alabang subdivision noong Enero 12 dahil sa umano’y pagnanakaw.
Sa nasabi ring petsa, natagpuan ang katawan ni Richelle sa Santa Maria, Bulacan, alas-11:00 ng gabi at natagpuan naman ang ulo nito sa isang creek sa Kalayaan avenue sa Makati City noong Enero 14.
Lumalabas na ang mga suspect ang huling kasama ng biktima bago matagpuan ang kanyang mga labi.
By: Avee Devierte / Allan Francisco