Umabot na sa anim (6) katao ang nasawi sa pagtama ng malakas a 6.7 magnitude na lindol sa Surigao del Norte kagabi.
Sa panayam ng programang IZ Balita Nationwide, sinabi ni Surigao del Norte Governor Sol Matugas, nanatili naman sa ospital ang labing apat (14) katao na malalang nasugatan.
Kinumpirma din ng gobernador ang matinding pinsala na tinamo ng ilang mga gusali, tulay at kabahayan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Governor Sol Matugas
Siniguro ni Matugas na kumikilos na ang provincial government upang maibalik ang suplay ng kuryente at tubig sa maraming lugar.
Nagsimula na rin ang pagpapamudmod ng relief goods at cash assistance sa mga biktima ng lindol.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Governor Sol Matugas
Samantala, umapela ng tulong sa national government ang Surigao del Norte.
Ayon kay Matugas, kailangan nila ng tulong mula sa Department of Public Works ang Highways (DPWH) para sa pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada at tulay.
Mahalaga din aniyang mabilis na maayos ang Surigao airport na siyang pangunahing daan para sa mga tulong na darating.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Governor Sol Matugas
Umaasa din si Matugas na darating na ang karagdagan pang mga relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Governor Sol Matugas
Aftershocks
Samantala, aabot na sa halos isandaang (100) aftershocks ang naitatala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Surigao del Norte matapos tumama kagabi ang mapaminsalang 6.7 magnitude na lindol.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, napakababaw lamang ng epicenter ng lindol kayat asahan aniya ang mga susunod pang pagyanig.
Sinabi ni solIdum na posibleng tatagal pa ang serye ng aftershocks hanggang sa buwan ng Marso.
By Rianne Briones | IZ Balita Nationwide
Photo Credit: DSWD Caraga / Twitter