Tatlo na ang nasawi sa malaking sunog sa factory ng House Technology Industries sa Export Processing Zone Authority sa General Trias, Cavite.
Binawian ng buhay ang ikatlong biktima na si Alex Lerog, 33 anyos noong Biyernes ng gabi ilang oras matapos ilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz, Maynila mula sa Divine Grace Hospital, General Trias.
Ayon kay Cavite Governor Jesus Crispin ‘boying’ Remulla, si Lerog na tubong Santa Monica, Surigao del Norte at resident ng Rosario, Cavite at factory line leader sa HTI ay binawian ng buhay dahil sa impeksyon habang nililinis ang kanyang mga sugat.
Kabilang si Lerog sa tatlong pasyenteng nasa kritikal na kondisyon matapos magtamo ng 3rd degree burns dahil sa sunog sa HTI factory.
Samantala, pito pang pasyente na pawang empleyado ng HTI ang inilipat sa Philippine General Hospital; Jose Reyes sa maynila at De La Salle University Medical Center sa Dasmariñas City, Cavite.
By: Drew Nacino