Magpapatupad muli ng dagdag presyo sa diesel at kerosene, ang mga kumpanya ng langis, sa Martes.
Inaasahang maglalaro sa 15 hanggang 20 sentimos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Maglalaro naman sa .5 hanggang 10 sentimos ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
Samantala, posibleng walang paggalaw sa presyo ng gasolina pero maaaring magtapyas ng singko sentimos kada litro.
By: Drew Nacino