Naungusan na ng Talk and Text Tropang Texters ang defending champion San Miguel Beermen sa semi-finals ng 2016-2017 PBA All Filipino Cup.
Liyamado na ang Talk and Text sa kartadang 2-1 makaraang pataubin ang San Miguel sa score na 98-92 sa Game 3 ng kanilang best of seven series sa Araneta Coliseum, kagabi.
Iniangat ng rookie na si Roger Pogoy ang TNT matapos magpakawala ng 22 points kabilang ang anim na three point shot sa loob lamang ng tatlumpu’t apat (34) na minutong paglalaro.
Samantala, kapwa nag-ambag naman ng 18 points sina Marcio Lassiter at Alex Cabagnot para sa SMB.
Aarangkada naman ang Game 4 ng serye sa Mall of Asia Arena, Pasay, bukas.
By Drew Nacino