Binatikos ni Pope Francis ang araw-araw na pang-iinsulto ng mga tao makaraan siyang mabiktima nito nuong nakalipas na linggo.
Sa kaniyang lingguhang Angelus sa Vatican, muling binigyang diin ng Santo Papa ang ika-limamg utos ng Diyos na huwag kang papatay.
Ayon kay Pope Francis, hindi lamang sa literal na pagpatay tumutukoy ang nasabing kautusan kundi maging sa mga salitang binibitiwan ng bawat isa.
Giit ng Santo Papa, maihahalintulad aniya ang pang-iinsulto sa pagpatay sa pagmamahal ng isang tao sa kaniyang kapwa.
By Jaymark Dagala