Isa sa pinakamasarap na emosyong ginawa ng Diyos ay ang umibig: pag-ibig sa Diyos, sa pamilya, sa kapwa, sa bansa at sa isang espesyal na tao na kalimitang nauuwwwi sa kasalan. Sa harap ng altar tila magsing-irog hindi na talaga magkakahiwalay maliban kung isa sakanila ay pumanaw.
Ngunit wala na sigurong mas sasakit pa oras na mabasag ang pag-ibig ng dalawang taong nagmamahalan, na inakala nilang ‘may forever’ pero wala pala.
‘Love is not enough para maging forever’
Ito ang binigyang-diin ni Ms. Maribel Dionisio, isang Parenting and Relationship Consultant at Love Guru, sa panayam nina Jun del Rosario at Mariboy Ysibido ng programang ‘Balita Na Serbisyo Pa’ sa DWIZ.
Ayon kay Dionisio hindi lamang dapat mag concentrate ang mag partner sa pagmamahal sa isa’t isa’ dahil anya; una, kailangan raw i-test kung ito nga ay ‘true love’; pangalawa, kailangang maging mature ang mag partner sa isa’t isa at hindi lamang bilang indibidwal at; pangatlo, kailangang pareho ang interes ng mag pares o ang tinatawag na compatibility.
Kaya’t ang dating matamis na pag-ibig, nauuwi sa bitterness o pait sa pag-ibig.
Sinabi ni Ms. Maribel Dionisio na na 7 hanggang 8 sa 10 tao ay nagiging ‘bitter’ sa pag-ibig.
Ano nga ba ang kahulugan ng salitang ‘bitter sa love’ na na-uuso ngayon sa mga kabataan o yung tinatawag nating mga milenyal?
Ayon kay Dionisio, ang pagiging ‘bitter’ ay ang kawalan nito ng sweetness dahil ang sweetness lang umano ang magiging sagot upang mawala ang bitterness.
Dagdag pa anya ang hinahanap-hanap ng bawat isa sa atin ay ang sweetness.
Paliwanag rin di Dionisio na nakukuha ang bitterness ng tao sa unang taon hanggang ika-12 taon ng isang tao.
Hinalimbawa niya rito ang pagkakaroon ng mapait na family background na kung saan namulat ang isang bata sa pamilyang may third party na bubuo ng conclusion na hindi siya maghahanap ng ganung partner.
Ngunit, aniya, maaari rin namang mabuo ang bitterness sa oras na magkaroon ng kasintahan o asawa man.
Binigyan niya rin ito ng halimbawa kung saan maaaring noong magkasintahan pa lamang ang magsing-irog ay dikit na dikit kung maglakad sa mall ngunit noong mag asawa na ay magkahiwalay nang mamasyal.
Ipinunto naman ni Dionisio na hindi magandang mag-ipon ang mag pares ng ‘bitter stories’ bagkus, pag usapan ng maigi ang hindi pagkakaintindihan upang maayos ang anumang sigalot.
Mahalaga rin umano na mapa-babae man o lalaki ay parehong nagsusuyuan o ang tinatawag na ‘give and take relationship’ dahil makakatulong ito na mapalago pa at tumagal ang relasyon.
Samantala, sa tanong na paano malalaman kung ‘true love’ na nga, ang sagot ni Dionisio ay:
“Panahon lang ang makakapagsabi nyan”.
By Race Perez
Credits: Balita Na Serbisyo Pa program of DWIZ mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM hanggang 7:00 PM kasama sina Jun del Rosario at Mariboy Ysibido