Hinamon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senadora Leila de Lima na sampahan siya ng kaso dahil sa pag-uugnay niya sa Senadora sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Sinabi ni Aguirre na hindi siya natatakot dahil wala siyang tinatago.
Malaya, aniya, si De Lima na magsampa ng kaso kung totoo ang ibinibintang sa kalihim.
Ito ang tugon ni Aguirre sa plano ni De Lima na magsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y pamimilit ng kalihim sa ilang high profile inmate na tumestigo hinggil sa kinalaman ng Senadora sa illegal drug trade sa Bilibid na inimbestigahan ng Kamara noong isang taon.
By: Avee Devierte