Inihayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hiwalay ang ethics complaint sa criminal complaint laban kay Senador Leila de Lima.
Kaugnay nito, sinabi ni Lacson na hindi pa niya nababasa ang isinumiteng sagot ni De Lima sa ethics complaint laban sa kanya ng Kamara.
Ayon kay Lacson, magpupulong pa sila ng mga miyembro ng Ethics Committe para pag-usapan ang isinumiteng reply ni De Lima kung saan kanyang iginiit na hindi dapat siya maparusahan matapos payuhan ang dating driver/bodyguard na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa House inquiry dahil tiyak na pahihiyain lamang ito.
By Meann Tanbio | Report from Cely Bueno (Patrol 19)