Isinailalim sa state of calamity ang Lake Sebu sa South Cotabato dahil sa malawakang fish kill na nagsimula noon pang Enero 27.
Ayon sa Municipal Agriculture Office, tinatayang nasa isandaan at dalawampung (120) milyong pisong halaga ng isda ang nangamatay.
Nagsasagawa na ang mga otoridad ng clean-up drive kasunod ng nangyaring fish kill sa Lake Sebu.
By Meann Tanbio