Sinang-ayunan ng MMDA o Metro Manila Development Authority ang naging babala ng PHIVOLCS hinggil sa nakaambang the big one o ang paggalaw ng west valley fault.
Ayon kay MMDA OIC/General Manager Tim Orbos, hindi dapat magpaka-kampante ang mga taga Metro Manila sa kabila ng mga ikinakakasang shake drills ng pamahalaan.
Aminado rin si Orbos na kulang din sila sa tao upang matingnan ang iba’t ibang istruktura kung makatatagal ang mga ito sa pagdating ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
Bahagi ng pahayag ni MMDA General Manager Tim Orbos
Gayunman, sinabi ni Orbos na pabor sila sa mungkahing gamitin ang media upang ipakita ang mga posibleng scenario sa sandaling mangyari na nga ang pinangangambahang malakas na lindol.
Bahagi ng pahayag ni MMDA General Manager Tim Orbos
By Jaymark Dagala | Karambola