Naharang ng Bureau of Immigration o BI ang isang hinihinalang miyembro ng Al Qaeda terrorist group na nagtangkang pumasok sa bansa.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang 43-anyos na suspek na si Muhammad Arif, isang Pakistani at kabilang sa mga blacklisted alien at pinaghihinalaang terorista.
Ayon kay Morente, naharang si Arif ng mga tauhan ng immigration pagdating niya sa NAIA Terminal 1 mula sa bangkok.
Agad siyang pinasakay ng eroplano pabalik sa kanyang port of origin matapos na lumabas sa database ng immigration bureau na kasama ang kanyang pangalan sa “Al Qaeda Sanction List” of individuals.
Subject din si Arif ng blacklist order na inilabas ni dating Immigration Chief Ricardo David Jr. noong September 2011 dahil sa pagiging miyembro umano ng Al Qaeda.
By Meann Tanbio