Nagkasa na ng infomercials ang NYC o National Youth Commission kaugnay sa kampanya kontra HIV.
Ayon kay NYC Chair Aiza Seguerra makakatulong ang infomercials para matuldukan na ang aniya’y looming epidemic stage ng HIV sa bansa kasunod nang dumaraming kaso ng HIV.
Sinabi ni Seguerra na nakakabahala na ang mga pag aaral kung saan lumalabas na 28 Pilipino ang nada diagnose na mayruong HIV kada araw at 24 dito ay kinasasangkutan ng mga kabataan.
Hinimok ni Seguerra ang mga guro at magulang na maging katuwang nila sa kampanya na pinaka makatuwirang gawin ay ipaliwanag sa mga kabataan ang safe sex bago tumuntong ng puberty period.
By: Judith Larino