Susundin ng Malakaniyang ang desisyon ng Korte Suprema sa isyu ng koleksyon ng mga alahas ni dating First Lady Imelda Marcos.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella wala pang desisyon ang palasyo kung ibebenta ang tinaguriang Malakaniyang collection para makakolekta ng pondo ang gobyerno.
Una nang pinagtibay ng high tribunal ang desisyon ng Sandiganbayan na i forfeit ang nasabing jewelry collection pabor sa gobyerno.
Ang nasabing koleksyon ay nakatago sa Bangko Sentral ng Pilipinas kasama ang Roumeliotes at Hawaii collection.
By: Judith Larino