Excited at sobrang proud si Heart Evangelista sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay.
Ayon kay Heart talaga namang home is where the heart is.
Natutuwa si Heart dahil sa kaniyang bagong French contemporary home siya nagdaos ng kaniyang 32nd birthday kahapon at magdiriwang ng second wedding anniversary sa asawang si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.
Tinawag na sweet celebration ni Heart sa pamamagitan ng aniya’y simpleng lunch at simpleng handaan ang three in one moments sa buhay nilang mag asawa kasama ang stepchildren niyang sina Joaquin at Cecilia.
Looking forward naman si Heart sa pagkakaroon ng baby sa susunod na taon lalo nat handa na ang nursery room sa kanilang bahay.
Si Heart ay kasali sa fantasy remake ng Mulawin versus Ravena at nakatakdang mag host ng isang reality show.
By Judith Larino