Pinagtibay ng Sandiganbayan ang desisyon nilang ibasura ang kasong plunder laban kay dating Agriculture Secretary Jocjoc Bolante kaugnay ng 723 million fertilizer fund scam.
Sa kanilang walong pahinang resolusyon, ibinasura ng Anti-Graft Court Second Division ang motion for reconsideration na inihain ng Office of the Ombudsman na bawiin ng Sandiganbayan ang kanilang desisyong pumabor kay Bolante.
Tinawag pang ignorante ng mga mahistrado ang mga prosecutors ng Ombudsman matapos silang akusahang lumampas na ang Sandiganbayan sa hanggananan ng kanilang kapangyarihang tumukoy kung mayroong sapat na basehan ang isang kaso para maglabas sila ng warrant of arrest.
Iginiit ng Sandiganbayan na nabigo ang Ombudsman na magsumite ng sapat na ebidensyang magdiiin kay Bolante sa kasong plunder.
By Len Aguirre