Hinimok ng Comelec o Commission on Elections ang mahigit 205,000 overseas absentee voters na magpa-reactivate na ng kanilang registration status matapos mabigong makaboto sa nagdaang dalawang halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner Arthur Lim, pinuno ng Office for Overseas Voting, kailangan na nilang magpa-reactive upang makaboto sila sa May 2019 Midterm Elections.
Sinimulan ng COMELEC ang registration period para sa overseas Filipinos noong December 1, 2016 at matatapos ito sa September 30, 2018.
By Meann Tanbio