Ipinatitigil na ng Minority Bloc sa Kamara ang plenary debate sa death penalty bill kung hindi rin lang magkakaroon ng quorum.
Sinabi ito ni Minority Leader Congressman Lito Atienza kasunod ng pahayag ni House Committee on Justice Chairman Congressman Rey Umali na secondary lamang ang quorum sa plenary dahil mas mahalagang sumulong ang debate.
Ayon kay Atienza, alinsunod sa patakaran ng kongreso, dapat na may quorum bago simulan ang anuman sa plenary.
Ngunit lumalabas, aniya, na sa simula lang nagkakaroon ng quorum at nawawala rin ang mga Kongresista agad.
Dapat aniyang masterin nang buong magdamag ang quorum bago isulong ang debate sa death penalty bill.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc