Hiniling ni House Committee on Public Information Chairman Congressman Antonio Tinio kay Rules Committee Chairman Congressman Rodolfo Fariñas na itakda na para sa plenary debate ang Freedom of Information Bill na naaprubahan sa committee level kahapon ng umaga.
Ayon kay Tinio, priority bill ng administrasyon ang Freedom of Information kaya dapat na bigyang-halaga rin ito sa plenary debate.
Aniya, may constitutional mandate ang inaprubahang Freedom of Information na idisclose ang SALN ng mga government official.
Ayon pa kay Tinio, alinsunod sa batas ang dalawang aspeto nito na full public disclosure at access to information.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc