Nanawagan sa publiko ang CPP o Communist Party of the Philippines na magprotesta laban sa “police and military crackdown” kasunod ng pagkakaaresto sa tinatayang 19 katao sa kalakhang Maynila at sa ibang lugar kabilang ang ilang aktibista at sibilyan.
Giit ng CPP, kinokondena nila ang mga pag-atake laban sa mga aktibista at sibilyan na nangyari sa loob lang ng isang linggo malaraang kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan na sinundan ng pagdedeklara ng “all-out war” laban sa partido komunista.
Paliwanag ng grupo, maihahalintulad ito sa political crackdown ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2005 hanggang 2009.
Sinasabing ang pinakahuling biktima ng crackdown ay si Ferdinand Castillo, campaign officer ng BAYAN-Metro Manila na inaresto noong Pebrero 12 sa Sta. Quiteria, Caloocan City at sinampahan ng kasong double murder at multiple attempted murder.
By: Jelbert Perdez