Handang lisanin ni Interior Secretary Mike Sueno ang kanyang posisyon kung may bagong itatalaga rito ang Malacañang.
Reaksyon ito ni Sueno sa gitna ng lumabas na espekulasyon na si dating Senador Bongbong Marcos ang magiging bagong Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary.
Sinabi ni Sueno na hindi niya ito minamasama at nagsisilbi lamang siya sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sakali man aniyang dumating ang panahon na may gustong italaga ang Pangulo na bagong kalihim ng DILG, handa siyang bumaba sa puwesto.
By Meann Tanbio | Report from: Jonathan Andal (Patrol 31)