Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong humihiling na ideklarang unconstitutional ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Theodore Te, ito ay dahil sa premature pa ang petisyong inihain ni Rolando Mijares.
Samantala, pinagkokomento naman ng kataas-taasang hukuman ang gobyerno sa dalawang hiwalay na petisyon na na humihiling na ipawalang bisa ang kasunduan na pinasok ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) partikular ang Framework Agreement on the Bangsamoro at Comnprehensive Agreement on the Bangsamoro.
By Ralph Obina