Umakyat na sa walumpu (80) katao ang patay sa Pakistan makaraang pasabugin ng isang lalaki ang sarili.
Ayon sa mga pulis, naganap ang naturang suicide bombing sa mga deboto ng Shrine ng Sufi Saint Lal Shahbaz Qalandar sa bayan ng Sehwan sa lalawigan ng Sindh.
Samantala, kinondena ni Prime Minister Nawaz Sharif ang pag-atake na inako na ng teroristang grupong Islamic State.
Ito na ang pinakamadugo sa mga pag-atake ng Islamic State, Pakistani Taliban, at iba pang mga militanteng grupo.
By Avee Devierte