Naniniwala si United Nations Secretary-General Antonio Guterres na malabo pang magwakas ang nagpapatuloy na Syrian civil war.
Ayon kay Guterres, hangga’t walang nagpaparayang partido ay magtatagal pa ang digmaan sa syria na ikinasawi na ng mahigit kalahating milyong katao.
Kung kapwa anya magbababa ng armas ang magkabilang panig ay tiyak na matutuldukan ang halos pitong taong kalbaryo ng milyun-milyong mamamayan ng Syria.
Diskumpiyado rin si Guterres sa nagpapatuloy peace talks sa pagitan ng syrian government at rebel groups na inorganisa ng Russia at Turkey dahil short-term solution lamang ang inilalatag sa naturang usapin.
By Drew Nacino