Nakatakdang kausapin ni Senate President Koko Pimentel si Senador Leila de Lima.
Kaugnay ito sa tatlong magkakahiwalay na kasong kinakaharap ni De Lima may kaugnay sa umanoy operasyon ng iligal na droga sa NBP o New Bilibid Prisons.
Sinabi ni Pimentel na siya na ang lalapit kay De Lima para pag usapan ang mga kaso nito dahil hindi naman aniya siya nilalapitan ng kapwa Senador.
Ayon kay Pimentel nais niyang alamin kay DE lima kung ano ang maaaring itulong ng mataas na kapulungan sa Senadora.
By: Judith Larino