Nahaharap na naman sa panibagong kasong graft sa Sandiganbayan si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.
Ito’y makaraang suwayin ni Tallado ang kautusan ng CSC o Civil Service Commission na nag-aatas sa kaniyang ibalik sa puwesto ang Provincial Veterinarian na si Edgardo Gonzales na sinibak noong 2012.
Bukod sa Gobernador, nahaharap din sa parehong kaso ang legal officer ng probinsya na si Sim Mata Jr. at Supervising Administrative Officer Mario Dela Cruz dahil sa parehong paglabag.
Dahil dito, inirekumenda ng anti-graft court ang pagpapataw ng tig P30,000.00 piyansa sa bawat isang akusado.
By Jaymark Dagala