Ibinabala ng Department of Finance na aabot sa P821-Million foregone revenue ang posibleng mawala sa gobyerno kung itutuloy ang pagpapasara at pagsuspinde ng DENR o Department of Environment and Natural Resources sa 28 minahan.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, hindi bababa sa tatlong munisipalidad ang mawawalan ng revenue na sumasakop sa 50% ng total operating income kung tuluyang i-shutdown o kaya’y suspendihin ang mga naturang minahan.
Partikular rito ang munisipalidad ng Carrascal sa Surigao Del Sur; Tagana-An sa Surigao Del Norte; at Tubajon sa Dinagat Islands.
Matatandaang ipinag-utos ni DENR Secretary Gina Lopez ang pagpapasara sa 23 mining companies, habang sinuspinde naman ang operasyon ng limang iba pa.
By Meann Tanbio
Photo Credit: Department of Finance Website