Natuklasan ng PNP Anti-Kidnapping Group na may dalawa pang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo.
Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Director Senior Superintendent Glen Dumlao, isiniwalat ng mga hawak na nilang suspect ang naturang impormasyon.
Sinabi ni Dumlao na pangangalanan niya ang mga bagong suspect kapag humarap na sila sa preliminary investigation sa buwang ito.
Tiniyak ni Dumlao na matibay ang kasong isasampa nila laban sa nasabing dalawang utak ng krimen.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal