Sampu (10) katao ang patay habang 20 ang sugatan sa panibagong suicide attack sa north-eastern Nigeria.
Ayon sa ulat, isang 12-anyos na babae ang nagsilbing suicide bomber kung saan pinasabog nito ang dalang bomba sa pamilihan kung saan marami ang tao.
Wala pang grupong umaako sa naturang pagpapasabog ngunit hinihinalang Boko Haram din ang nasa likod ng naturang pag-atake dahil sa paraang ginamit sa karahasan.
Matatandaang kahapon, dalawang batang babae din ang nagsilbing suicide bomber sa isang Masjid sa Nigeria kung saan 20 ang nasawi.
By Ralph Obina