Handa na ang mga mosyon ni Senadora Leila de Lima na isasampa sa Municipal Regional Trial Court.
Sinabi ni Senadora Leila de Lima, isasampa ng kanyang mga abogado ang mga mosyon anumang oras ngayong naraffle na ang mga kaso laban sa kanya ng Department of Justice.
Kabilang sa Omnibus Motion ang pagkwestyon sa hurisdiksyon ng isang regular na korte na humawak ng mga kaso laban kay De Lima dahil naniniwala ang Senadora na Ombudsman dapat ang humawak ng mga naturang kaso.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen. De Lima
By: Avee Devierte / Cely Bueno