Nagpaabot na ng panalangin at pakikiramay si Antipolo Bishop Francisco De Leon sa pamilya ng mga biktima ng bumanggang bus kahapon ng umaga sa Sitio Mayukal, Baranggay Sampaloc, Tanay, Rizal.
Panalangin ni Bishop De Leon na makapiling ng panginoon ang mga kaluluwa ng 14 na estudyante ng Bestlink College Novaliches, Quezon City at ang driver ng bus.
Ipinagdasal din ng obispo ng Antipolo na magkaroon ng katatagan ng loob ang mga pamilya ng mga nasawi.
Umapela si Bishop De Leon sa mga kumpanya ng bus na tiyaking maayos ang kanilang mga sasakyan para sa kaligtasan ng mga pasahero.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco