Naglatag ng apat na kondisyon ang pamahalaan sa CPP-NPA-NDFP bago muling ituloy ang usaping pangkapayapaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat na itigil ng rebeldeng grupo paniningil ng revolutionary tax, pag-ambush sa mga militar, panununog ng mga kagamitan at mapanghamon na mga pagkilos.
Bigyan aniya ng pagpapahalaga ang pagnanais ng Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.
Una nang sinabi ng Pangulo na dapat ay magkaroon ng compelling reason para bawiin nito ang suspensyon at muling bumalik sa peace talks sa mga rebelde.
By Rianne Briones