Pinaiimbestigahan sa Kongreso ang malagim na bus accident sa Tanay, Rizal na ikinasawi ng labing-apat (14) na estudyante.
Ayon kay House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo, dapat magpatupad ang Department of Education (DepEd) ng moratorium sa school field trip matapos ang aksidente.
Maliban dito, binigyang diin pa ni Castelo na dapat ding kumilos kaagad ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang tiyakin ang road worthiness ng mga tour bus na ginagamit sa mga field trips.
Tumayo rin sa plenaryo ng Kamara si Quezon City Rep. Alfred Vargas na ang distrito ay nakakasakop sa Bestlink College of the Philippines kung saan nanawagan din ang kongresista na panagutin ang mga dapat managot sa madugong trahedya.
By Jelbert Perdez